Matuto ng mga praktikal na learning tips mula sa sikat na ABS-CBN Star Magic talent na si JC Alcantara.
Samahan siya sa This isKwela “Study With Me” Facebook livestream sa September 16, 7 p.m.
Ang This isKwela ay isang online education Facebook community ng Globe kung saan kahit ano pang edad ay maaaring matuto at maka-diskubre ng mga mura, accessible, at ligtas na oportunidad para makamit ang mga pangarap sa buhay.
Bahagi ito ng suporta ng Globe sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 4 na nagsisiguro ng inklusibo at patas na kalidad ng edukasyon at nagtataguyod ng panghabambuhay na pagkakataon sa pag-aaral para sa lahat.
Para mas maging nakaeengganyo, nag-iimbita ang This isKwela ng mga eksperto at celebrities para magbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan. Sa unang matagumpay na “Study With Me” class, pinangunahan ito ni GMA talent Arianne Bautista.
Ngayon naman, si JC, kilala bilang si Mico Ramos sa Hello Stranger BL web series at bahagi ng Team Globe of Good, ang makakapiling natin, kasama ang This isKwela community resident Group Expert na si Angelo “Sir” Sicat. Tatalakayin nila ang personal branding online at kung paano maging career ang mga interest at passion.
Maliban sa mga praktikal na kaalaman, maaari ring manalo ng bagong smartphone ang mga miyembro ng This isKwela na sasali sa livestream.
“Gumagamit ang Globe ng digital technologies gaya ng This isKwela para matulungan ang mga Pilipino na mapaganda ang kanilang online presence at social media account branding. Kapaki-pakinabang ito para sa career development at sa paghahanap ng oportunidad sa hanapbuhay. Kasama sa pagpapabuti ng personal online presence ang kaalaman tungkol sa ligtas na interaksyon gamit ang internet at ang pagkakaroon ng isang propesyonal na online footprint,” ayon kay Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability at Corporate Communications Officer.
Bilang isang malakas na tagapagtaguyod ng de-kalidad na edukasyon at paggamit ng teknolohiya para iangat ang buhay, hinihikayat ng Globe ang lahat na sumali sa This isKwela Facebook Community.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.