3 sundalo, patay matapos ang naging pag-atake sa detachment ng militar sa Al-barka, Basilan kaninang hapon

230

Nasawi ang tatlong tropa ng militar mag-a-alas-2:00 ng hapon kanina sa Al-barka, Basilan.

Ayon kay BGen. Domingo Gobway, Commander ng Joint Task Force Basilan, in-ambush ang tatlong sundalo ng lawless elements.

Ani Gobway, papasok sana ang mga nasawing tropa na magrerelyebo sa kanilang detachment nang mangyari ang ambush.


Sa inisyal na impormasyon, pito ang mga nakasagupa ng militar na sila ring naka-engkwentro ng tropa, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Sinabi pa ni Gobway na dalawa ang killed in action habang ang isang sundalo ay dead-on arrival sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation laban sa mga rebelde.



Facebook Comments