JEEPNEY MODERNIZATION │PISTON National President George San Mateo, naiinggit?

Manila, Philippines – Naniniwala si LTOP President Orlando Marquez na naiinggit lamang si Piston National president George San Mateo nang sabihin nito na nakinabang ang limang transport leader sa modernization program ng gobyerno kabilang ang grupong LTOP.

Ayon kay Marquez totoong makikinabang sila dahil silay mga tunay na mga operator hindi gaya ni San Mateo na na pekeng operator.

Paliwanag ni Marquez walang katutuhanan na hindi kayang bayaran ng ordinaryong operator at tsuper ang ang isinusulong ng Duterte Administration na Electric Solar Jeep dahil patatakbuhin ito ng Fleet Management Corporation.


Giit ni Marquez malaking tulong sa mga maliliit na tsuper at operators ang plano ng pamahalaan na Modernization Program sa PUJ.

Facebook Comments