John Paul Solano, ibubunyag ang lahat ng buong katotohanan sa preliminary investigation ng DOJ

Manila, Philippines – Tiniyak ni John Paul Solano sa publiko na malalaman na nila ang buong katotohanan sa likod ng kontrobesya sa pagkamatay kay John Paul Solano.

Ayon kay Solano ihahayag niya sa October 4 at 9 ang buong katotohanan sa pagkamatay ni Castillo para mawala na ang agam-agam ng publiko na may tinatago siyang lihim.

Si Solano ay lumaya kaninang alas 12:20 ng tanghali kung saan pumirma sa blotter ng MPD Homicide Division ang kanyang mga abogadong sina Atty. Niño Servañes at Atty. Edzel Bert Canlas matapos na maipakita sa pulisya ang kanilang bitbit na resolusyon.


Giit ni Solano, papatunayan niya sa korte na inosente siya sa mga akusasyon laban sa kanya at naniniwala siyang hindi gagalawin ng kanyang mga ka-brod dahil alam umano nilang wala siyang binanggit na pangalan sa pulisya.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga operatiba ng MPD sa magandang pagtrato sa kanya at nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ni Castillo.

Facebook Comments