Joma Sison, dapat nang itigil ang kanyang ‘hallucination’ – Malacañang

Dapat ng magising sa hallucination si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison.

Ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos sabihin ni Sison na si Pangulong Rodrigo Duterte ang numero uno umanong recruiter ng CPP-NPA.

Sinabi kasi ni Sison na dahil sa mga polisiya ni Duterte, maraming tao ang nahihikayat na sumapi sa kanila.


Ayon kay Panelo, ang pananatili sa ibang bansa ni Sison ay mas naglalayo sa kaniya sa tunay na nangyayari sa Pilipinas.

Facebook Comments