
Cauayan City, Isabela – Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Jones ang lahat ng Jonesians na makiisa sa isasagawang blood letting activity na may temang “Dugong Alay, Dugtong Buhay”, na gaganapin sa Brgy. San Vicente, Jones, Isabela ngayong araw ika-25 ng Pebrero.
Ang programang ito ay inisyatiba ng Municipal Health Office (MHO) Jones, sa pakikipagtulungan ng Prospero G. Bello Integrated Community Hospital, na may layuning makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.
Kabilang naman sa mga maaaring mag-donate ng dugo ay mga indibidwal na edad 16-60 years old, walang sakit na diabetes, hyperthyroidism, malaria, kidney/liver disease, walang iniinom na gamot, at iba pa.
Inaanyayahan ang lahat na lumahok at mag-donate ng dugo upang makatulong sa pagsalba ng buhay ng iba.