DT1 R2, PALALAKASIN ANG UGNAYAN NG UBE FARMERS AT DELICACY MAKER SA ISABELA

Cauayan City – Mas palalakasin ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang ugnayan nila sa mga magsasaka ng ube mula sa bayan ng Jones at isang ube processor mula sa Cauayan City upang matiyak ang patuloy na produksyon at merkado para sa lokal na produkto ng Isabela.

Sa pamamagitan ng Negosy o Center ng DTI, isinagawa ang matagumpay na pagtutulungan sa pagitan ng mga magsasaka at Wall’s Delicacies, isang lokal na negosyo na gumagawa ng matatamis na delicacies mula sa mga root crops.

Ayon kay Rosaimay Manuel, junior business counselor ng DTI Isabela, layunin ng partnership na ito na palakasin ang lokal na kalakalan sa agrikultura at tiyakin ang matatag na suplay ng de-kalidad na ube.

Sa kasunduan, inaasahan ang buwanang benta ng 300 kilo ng ube, na magbibigay ng matibay na merkado para sa mga magsasaka.

Inihayag din ni Manuel na magbubukas ang Wall’s Delicacies ng bagong branch sa Santiago City ngayong buwan upang mas maraming tao ang makatikim ng kanilang mga produkto.

Ang ugnayan sa pagitan ng mga negosyo at lokal na magsasaka ay sumusuporta sa patuloy na layunin ng DTI Isabela na palakasin ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng paglikha ng matibay na mga ugnayan sa negosyo.

Facebook Comments