Ibinulgar ni dating Pasig RTC Judge Harriet Demetriou na kinausap siya noon ng isang ma-impluwensiyang tao mula sa Simbahang Katolika para sa kaso ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Ayon kay Demetriou, habang gumugulong ang paglilitis sa convicted murderer at rapist, nakipagkita umano sa kaniya si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin at may ibinigay na sulat galing kay Lucena Bishop Pedro Bantique.
“When I read it, the contents was Sanchez daw is a very good person. He’s innocent daw of the charges against him,” pahayag ni Demetriou.
Diretsahang niyang sinagot ang umano’y hiling ng mga arsobispo noon.
“Your Eminence, I cannot take this at face value. Sabi ko, ‘Bakit ho nasasabi niya na si Sanchez ay napaka bait na tao? Dahil ba sa donasayon ni Sanchez sa diocese nila?“, saad ng hukom.
Gayunpaman, iminungkahi niyang maaring maging state witness ang naturang bishop sa korte para sa panig ni Sanchez. Ngunit hindi umano ito nangyari.
Iginiit ni Demetriou na nararapat lamang mamatay sa bilangguan si Sanchez upang pagbayaran ang kasalang ginawa noong dekada 90.
Matatandaang hinatulan ni Demetriou nang hambabuhay na pagkakakulong si Sanchez ukol sa karumal-dumal na pagpatay sa dalawang estudyante ng University of the Philippines-Los Baños, na sina Mary Eileen Sarmenta at Allan Gomez.