
Nanumpa na bilang Undersecretary for Cybersecurity ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si Julius Gorospe.
Bago ang kaniyang pagkakatalaga bilang Undersecretary for Cybersecurity, nagsilbi si Gorospe bilang Special Assistant to the DICT Secretary for Cybersecurity.
May malawak din siyang karanasan sa larangan ng information technology sa Estados Unidos.
Nangako si Gorospe na palalakasin ang mga programang nakaayon sa National Cybersecurity Plan.
Ito’y upang mas maprotektahan ang pamahalaan, negosyo, at mamamayan laban sa cyber threats.
Ipagpapatuloy rin niyang paiigtingin ang Digital Bayanihan, ang leadership theme ni DICT Secretary Henry Aguda, na nagtataguyod ng whole-of-nation approach sa cybersecurity.
Hinimok ni Gorospe ang pamahalaan, pribadong sektor, akademya, at mga mamamayan na magtulungan upang mapalakas ang cybersecurity ng bansa at malabanan ang cybercrime.










