Justice Carpio, dedma lang sa mga patutsada sa kanya ni PRRD

Manila, Philippines – Hindi na pinansin si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang mga patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang tinawag ng Pangulo na “buang” si Carpio matapos ang naging pahayag nito na labag sa saligang batas ang pangingisda ng mga dayuhang Chinese sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sagot lamang ni Carpio: “being called names is just too minor.”


Mahalaga ang naging papel ni Carpio sa pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na nagbabasura sa pag-aangkin ng China sa halos buong West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments