KABATAAN NG SAN NICOLAS, HINUBOG ANG KAKAYAHAN SA DISASTER PREPAREDNESS

Hindi lamang kumpetisyon sa husay at bilis ang naging tampok sa ginanap na High School Rescuelympics Season 2, kundi isang pagsasanay upang ihanda ang kabataan bilang mga katuwang sa panahon ng sakuna at emerhensiya.


‎Pinatunayan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang high school sa San Nicolas ang kahalagahan ng kahandaan nang kanilang harapin ang serye ng hamon na nakatuon sa rescue operations, survival skills, at emergency response.

‎Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), pinagsama-sama ang mga kalahok upang masukat ang kanilang kaalaman, koordinasyon, at kakayahang gumawa ng mabilis na desisyon sa mga sitwasyong kahalintulad ng aktuwal na sakuna.

‎Bawat paaralan ay nagpadala ng walong estudyante na sinamahan ng kanilang mga coach at adviser.

‎Masusing sinuri naman nina Judge-Mentors mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Natividad at Deparment of Education Pangasinan II DRRM Unit ang mga gawain upang matiyak ang tamang aplikasyon ng rescue techniques at disaster response procedures.


‎Kabilang sa mga pagsubok ang Rescue Carry Relay, Bandaging Techniques, Knot Tying, Survival Food Challenge, at Compass Treasure Hunt na idinisenyo upang masukat ang pisikal na kakayahan, teamwork, at pagiging maparaan ng mga kalahok.

‎Higit pa sa pagkapanalo, inaasahang ang paligsahan ay isa sa nagbibigay sa mga kabataan ng praktikal na kaalaman na maaari nilang magamit upang makatulong sa kanilang pamilya at komunidad sa oras ng pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments