PAGPAPATUPAD NG KONTRA KOLORUM AT KALINISAN SA TRICYCLE TERMINAL, PINAIGTING SA BAYAMBANG

Mas pinaigting ang pagpapatupad ng kaayusan at disiplina sa sektor ng pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng paglilinis ng tricycle terminal at patuloy na operasyon laban sa mga colorum na tricycle sa Bayambang.
‎‎Bahagi ng hakbang na ito ang isinagawang “Oplan Linis” sa Tricycle Terminal na pinangunahan ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) katuwang ang Task Force Disiplina (TFD), Bayambang Public Safety Office (BPSO), General Services Office (GSO), Engineering Office, Special Economic Enterprise, at Environmental and Solid Waste Management Office (ESWMO).‎
‎Layunin ng paglilinis na mapanatili ang maayos, malinis, at ligtas na pasilidad para sa mga drayber, pasahero, at iba pang gumagamit ng pampublikong transportasyon.
‎‎Kasabay nito, nagpapatuloy ang araw-araw na operasyon ng TFD at BPSO laban sa mga colorum na tricycle upang matiyak na ang mga bumibiyahe sa kalsada ay may sapat na pahintulot at sumusunod sa itinakdang regulasyon.
‎‎Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagpapatupad ng mga hakbang na ito ay bahagi ng pagsusulong ng mas ligtas na biyahe para sa publiko, patas na oportunidad para sa mga lehitimong tricycle operators at drivers, at mas disiplinadong sistema ng transportasyon sa bayan.


‎Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga miyembro ng TODA, patuloy na isinusulong ang isang malinis, organisado, at ligtas na tricycle transportasyon sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments