Isinasagawa kahapon, July 19, ang libreng Medical Mission ni Senator Risa Hontiveros sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City, sa pakikipagtulungan ng 1Life Philippines Medical Mission Team.
Kabilang sa mga libreng serbisyong inihahandog ang registration, pagkuha ng vital signs (blood pressure, pulse oximeter/O2 saturation, respiratory rate, temperature, at timbang), blood chemistry tests tulad ng random at fasting blood sugar, uric acid, cholesterol, at hemoglobin, urinalysis, ECG (electrocardiography), fetal Doppler para sa mga buntis na nasa 5 hanggang 9 na buwan, konsultasyon sa doktor, pag-print ng consultation summary, reseta at laboratory requests, gayundin ang pamamahagi ng libreng gamot.
Layunin ng programa na maghatid ng libre at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng barangay.
Samantala, ilan pang programa ang umiiral sa lungsod kung saan nakatuon sa serbisyong pangkalusugan at kapakanan lalo ng mga residente, kababaihan at ng mga kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










