Cauayan City,Isabela- Mahigit kumulang 5,000 kabataan edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lambak ng Cagayan.
Sa datos na ibinahagi ni DOH Regional Vaccine Operations Center Manager Joyce Maquera, nasa 5,533 ang mga menor de edad na binakunahan na may comorbidity habang 9,456 naman ang walang comorbidity o Rest of Pediatric Population.
Ayon pa kay Maquera, umaabot sa 40,811 ang target pediatric population na mabakunahan batay sa assessment ng DOH Central Office.
Posible rin aniya mas tumaas o bumaba ang bilang ng mga mababakunahan dahil wala umanong masterlisting na nagagawa pa.
Samantala, maaari naming magparehistro ang mga walk-in sa mga vaccination sites o magtungo sa Rural Health Unit.
Dagdag pa ni Maquera na sapat ang suplay ng bakuna para sa mga kabataan.
Hindi naman nakapagtala ng major adverse effect matapos mabakunahan ang mga kabataan at pawing minor effect lang.