Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, halos 426,000 na; bilang ng mga gumaling, nadagdagan ng 370 ngayong araw

80

Umabot na sa 425,918 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,631 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Quezon City na nasa 116.


Nasa 370 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 387,616 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang umabot na 8,255 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 46 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 30,047 na lamang ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments