Muling umarangkada ang Kadiwa on wheels na siyang proyekto ng pangulo sa isinagawang Dagupan City Farmer’s Day Caravan.
Hatid nito ang mga mura at sariwang produkto na ibinebenta sa naturang aktibidad.
Ag muling pagbabalik nito sa lungsod ay bilang suporta sa lokal na pamahalaan ng Dagupan City na siyang tumutulong sa mga mangingisda, magsasaka, at mga maliliit na nagnenegosyo gamit ang direct na farm-to-market consumer trade.
Ilan sa mga nakahilerang mga produkto sa naturang caravan ay mga Dagupan Certified Bangus Products gaya na lamang ng atsara, latik, seafoods, at boneless bangus.
Meron din mga kakapitas pa lamang na mga prutas, gulay at ilan pang mga food products.
Ang pagsasagawa ng caravan na ito ay mula sa pakikipagtulungan ng DOLE, Department of Agriculture, City Agriculture Office, Public Employment Services Office (PESO) Dagupan, City Nutrition Office at ng CSI The City Mall. |ifmnews
Facebook Comments