Kahalagahan ng CARHRIHL, Tinalakay sa Isinagawang Peace Forum!

Tuguegarao City, Cagayan- Matagumpay na isinagawa ang Peace Forum kaninang umaga na pinangunahan ng Cagayan Peace Convenors Group, Northern Luzon Conference in the Women’s Society in Christian Service, Youth Empowerment for Service Volunteers at ng International Alert na ginanap sa Tuguegarao City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Rene Navata ng International Alert, layunin ng naturang Forum ang ipamulat sa publiko ang probisyon at kahalagahan ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL.

Aniya, Napakahalaga umano sa dalawang panig ng Gobyerno at CTG-NPA-NDF ang CARHRIHL dahil mayroon umano itong probisyon sa mga nadadamay na sibilyan o non-combatants.


Layunin pa umano ng naturang Forum na talakayin ang mga mahahalagang probisyon ng CARHRIHL kung ano ang mga ipinagbabawal sa magkabilang panig at kung ano ang dapat itugon ng publiko kung sakaling may masagap na mga paglabag.

Samantala, Pwede umanong iharap sa Joint Monitoring Committee at sa mga Human Rights Organization ang isyung pagpatay sa konsehal na si Zaldy Mallari upang pagpasyahan kung karapat-dapat na pa-imbestigahan ang pagpaslang sa konsehal.

Mahalaga rin umano na maiparating ang isang complaint upang makapagdesisyon ang Joint Monitoring Committee na ipaimbestiga ito at maisumite sa kina-uukulang panig.

Hinikaya’t din ni ginoong Navata na dapat makipagtulungan ang mga mamamayan lalo na sa mga Human Rights Advocates sa mga sangay ng gobyerno upang pag-usapan kung paano maprotektahan ang kanilang sarili.

Facebook Comments