Tuesday, March 10, 2026

Kahandaan ng mga ahensya ng gobyerno sa magiging epekto ng tensyon sa Middle East, binubusisi ngayon ng Kamara

Umarangkada na ang magkatuwang na pagbusisi ng House Committee on Energy at Committee on Trade and Industry sa kahandaan ng mga ahensya ng pamahalaan sa magiging epekto ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa simula ng brieifing ay binigyang diin ni Committee on Energy Chairman at Palawan Rep. Jose Alvarez ang kahalagahan na maihanda ang buong bansa at mamamayan dahil sa posibleng tumagal pa ang tensyon sa Middle East.

Diin ni Alvarez mahalaga ang sama-samang pagkilos para magawa ang nararapat at tamang hakbang para sa kapakanan ng lahat ng sektor lalo na ang ating mga kabahayan kapus-palad at mga Pilipinong apektado ng sigalot.

Kabilang sa humaharap ngayon sa briefing ang mga opisyal at kinatawan ng Department of Energy (DOE), Department of Trade and Industry (DTI), Land Transportation Franchsing and Regulatory Board (LTFRB), Energy Regulatory Commission (ERC), Department of Economy (DOE), Planning, and Development, at mga grupo o asosasyon mula sa iba’t ibang sektor.

Facebook Comments