KAKAIBA | Ihi ng aso, ginagamit na acne treatment ng isang babae sa Amerika

Amerika – Isang American woman at dog-lover ang gumagamit ng kakaibang acne treatment para mapanatili ang natural glow ng kanyang mukha.

Pero sa halip na facial cream o cleanser, ihi ng alaga niyang aso ang kanyang ginagamit.

Ang mas nakakagulat pa rito, hindi niya ito ipinapahid sa mukha, bagkus ay iniinom!


Sa isang video, sinabi ng hindi pinangalanang American woman na may taglay daw na vitamins A, E at 10 grams ng calcium ang ihi ng aso.

Nakakatulong din nga raw ito sa paggamot ng sakit na cancer.

Pero ayon sa mga eksperto, walang pag-aaral na magpapatunay sa mga nabanggit na health benefits ng dog pee kaya payo nila, “keep urine off the menu.”

Facebook Comments