TRENDING | Kris Aquino, sopresang bumisita sa birthday party ni Mayor Herbert Bautista

Manila, Philippines – Talk of the town na naman sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ito ay matapos na bumisita si Kris sa birthday party ni Bistek na inorganisa ng mga high school classmates nito sa isang restaurant sa Quezon City kagabi.

Nabatid na makaraang malaman daw ni Kris na nandoon na sa restaurant si Herbert, agad daw itong nagpunta dahil malapit lamang ang restaurant kung saan siya nagshu-shooting.


Masaya naman si Mayor Bautista sa biglaang pagbisita ni Kris kahit na sumaglit lamang ito kung saan hindi maiwasan ng kaniyang mga bisita na biruin ito sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

May 12 ang aktuwal na 50th birthday ni Bistek pero kagabi lamang ito ipinagdiwang ng kaniyang mga ka-klase sa high school.

Facebook Comments