Saturday, May 9, 2026

KAKULANGAN SA FLOOD CONTROL SA SAN JACINTO, TINUTUKAN

Tinalakay ng lokal na pamahalaan ng San Jacinto at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kakulangan sa imprastraktura kontra baha sa bayan noong Mayo 8, 2026.

Ito ay alinsunod sa “Oplan Kontra Baha” na ipinresenta ng LGU at MDRRMO sa ahensya.

Dumalo dito si DPWH Undersecretary Charles Calima para pag-usapan ang mga datos, flood control plans at proyekto sa pagbawas ng epekto ng pagbaha.

Ayon sa ulat, tinalakay ang mga sitwasyon at suliranin kaugnay sa pagbaha ng mga punong barangay sa kanilang mga lugar para makabuo ng long-term flood mitigation measures.

Kaugnay nito, nakibahagi rin sa ang mga department heads at municipal councilors sa pagsasapinal ng mga plano pang-imprastraktura at disaster preparedness ng bayan.

Facebook Comments