
Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo ng mga health workers mula pribado at pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila.
Pinangunahan ang aktibidad ng Alliance of Health Workers kung saan ang protesta ay kasabay ng pagdiriwang ng National Heath Workers Day 2026.
Kanilang hiling sa pamahalaan na ipatupad ang dagdag sahod sa kanilang sektor lalo na’t halos lahat sa kanila ay apektado na ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
Bunsod ito ng nangyayaring kaguluhan sa Gitnang Silangan kaya’t panawagan na itigl na ang ginagawang pag-atake ng Amerika sa bansang Iran.
Bukod sa taas sweldo, tutukan din sana ng pamahalaan ang dagdag benepisyo, allowance at seguridad sa trabaho ng kanilang kasamahan sa sektor ng pangkalusugan.
Giit nila, karamihan sa mga health workers ay ilan taon nang nagtatrabaho bilang mga job order at contract of service kung saan wala ng pag-asa na ma-regular at mataas ng sweldo.
Nagsimula ang kanilang protesta sa España saka nag-martsa patungong Mendiola.










