Tuesday, May 5, 2026

Liderato ng Kamara, nakakatiyak na makakatugon sa epekto ng krisis sa Gitnang Silangan ang panukalang Kalinga Act

Masusing tinatalakay ngayon ng House Ad Hoc Committee on Legislative Energy Action and Development ang House Bill No. 8834 o panukalang Kalinga Act.

Alinsunod ito sa atas ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III na tutukan ang nabanggit na panukala na syang tutugon sa epekto ng krisis sa Gitnang Silangan.

Layunin ng panukala na magbigay ng komprehensibong tulong pangkabuhayan at proteksyon sa mga Pilipino laban sa epekto ng krisis na dulot ng pagtaas sa presyo ng langis.

Facebook Comments