KAKULANGAN SA SUPPLY NG GAMOT PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA DAGUPAN CITY, NAKATAKDANG SOLUSYUNAN NG LGU

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na hindi nito papayagang magkaroon ng kakulangan sa suplay ng gamot para sa mga senior citizen sa lungsod.
Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez, ito ang nais niyang mapabuti lalo na sa mga gamot para sa diabetes , highblood at iba pang sakit.
Mayroon umanong nakatakdang pondong darating mula sa DOH kung saan mayorya ng gamot ay para sa mga senior citizen.

Ibinahagi rin ng alkalde ang pagpapalawig ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng 24-hour operation ng City Health Office at sa pagtatalaga ng mga doctors at nurses sa muling pag -gamit ng ipinatayong CHO Satellite Extension para sa mga taga One Bonuan (Gueset, Boquig at Binloc).
Samantala, nalalapit na rin ang pagpapatayo ng Super Family Health Clinic, katuwang din ang DOH, para naman ng mga residente ng Eastern Dagupan. | ifmnews
Facebook Comments