Kalagayan ng mga Pinoy matapos ang shooting incident sa Los Angeles, inaalam na

Manila, Philippines – Patuloy na beneberipika ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Filipino sa Los Angeles matapos maganap ang shooting incident noong Sabado.

Naganap ang insidente sa isang gaming venue sa Torrence, L.A matapos magbarilan ang 2 grupo kung saan 3 ang naitalang nasawi habang 4 naman ang sugatan.

Ayon kay Consul General Adelio Angelito Cruz, nakikipag-ugnayan pa sila sa mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanlan at nationality ng mga biktima.


Sa ngayon, hindi pa kasi pinapangalanan ng mga otoridad ang mga biktima.

Patuloy ding inaalam ng local authorities ang puno’t dulo ng gulo na nauwi sa barilan.

Sa pinakahuling datos ng DFA mayroong 4,000 Pinoy sa Torrence, L.A.

Facebook Comments