Manila, Philippines – Masusing mino-monitor ng Philippine Embassy sa Baghdad ang kalagayan ng Filipina overseas worker na nabundol ng sasakyan sa Kurdistan, Iraq.
Tiniyak din ng embahada na hindi nila papayagan na makalabas ng pagamutan ang Pinay hanggat hindi natiyiyak na fully-recovered ito.
Patuloy din na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa employer at driver na nakabundol sa OFW para matiyak na patuloy itong makakatanggap ng mga benepisyo at sweldo, bukod sa tulong-pinansyal mula sa nakabundol.
Una nang kumalat sa social media ang video footage na kuha nang mabundol ang ofw kaya agad na nagpadala ng tauhan sa Kurdistan ang embahada ng Pilipinas.
Facebook Comments