Kalibo, Aklan— Dahil bawal at nililimita ang mga official travel ng mga government official ngayong pandemic, gustong bawasan ni SB member Agusto Tolentino ang budget para sa travel allowance ng Sangguniang Bayan para gamitin sa COVID19 response ng LGU.
Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo kay Tolentino, magpapasa umano ito ng isang resolution na nagmumungkahi na bawasan ng P500,000 ang P1 million na budget ng SB.
Aniya na malayo ang mararating ng pera kung ilala-an ito sa pag-improve ng mga Brgy. Day Care Center para gawing temporaryong quarantine facility ng mga ROF at LSI ngayong pandemic.
Dagdag pa nito na sa susunod pang taon maibibigay sa mga barangay ang tig P1 million na budget para sa pagpapatayo ng kani kanilang mga quarantine facility base narin sa paguusap nito kay Mayor Emerson Lachica.
Makakatipid pa umano ng malaki ang LGU kesa maghanap pa ng mga paupahang lodging house o hotel sa bayan na temporaryong ginagamit para sa mga LSI at ROF.
Balak rin nitong maghanap pa ng mga pondong pwedeng ma-rechannel para sa COVID 19 response mula sa iba pang tanggapan ng munisipyo.
Sa araw ng Lunes inaasahang ipiprisinta ng konsehal ang kanyang proposistion sa boong konseho sa gaganaping regular session.
Kalahati ng P1 million na travel allowance ng SB gagamitin sa quarantine facilities.
Facebook Comments