KALANSAY NG BABAE NA NATAGPUAN SA MAN UP ALTAVAS, KINILALA NA NG KANYANG PAMILYA

Altavas, Aklan-Positibong kinikilala ng kanyang pamilya ang kalansay ng isang babae na natagpuan sa Sitio Dinaot, Brgy. Man up, Altavas, Aklan noong sabado ng umaga.
Ayon PSMS Andy Melmar Cordero ng Altavas PNP, nakita ito ng ilang residente sa masukal na bahagi ng lugar at agad na ipinag bigay alam sa mga otoridad.
Ayon kay Eduardo Victoriano , 52 anyos, ang natagpuang kalansay ay ang kanyang nawawalang asawa.
Positibo umanong natukoy ni Eduardo ang kanyang misis dahil hindi tuwid ang isa sa mga daliri nito sa kaliwang kamay dahil sa pagkakapaso noon.
Matandaang una nang naireport ang babae na nawawala noong January 27, 2020 ng kanyang pamilya
Napag alamang may sakit sa pag iisip ang babae at posibleng nakarating ito sa bulubunduking bahagi ng lugar at hindi na alam ang pauwi at namatay nalang sa gutom.
Hiwa-hiwalay na rin ang parte ng mga buto nito dahil sa kinain na ito ng ilang hayop.
Sa ngayon ay sa pangangalaga na ng isang purenarya sa bayan ng Altavas ang naturang kalansay at nakatakdang bigyan ng disenteng libing ng kanyang pamilya.
#TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARDxRJVDCOjKWkCkAt1BuG4ONyN1aYAg4E61rno-7ers9a7adShLca7npCoCKw7jk2LX_AzvNM4QVhuFiCNSGX8APIzAK8XsYGMzEW2jrapCkiflYArp…>

Facebook Comments