KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT PREPARADO NG TUMANGGAP NG COMMERCIAL FLIGHTS

Kalibo, Aklan – Preparado ng tumanggap ng commercial flights ang Kalibo International Airport kung papayagan na ng National Inter-Agency Task Force ang operation nito simula July 1, 2020, ito ang pahayag ni airport general manager
Engineer Eusebio Monserate Jr.
Ayon kay Engr. Monserate nag inspection na rin umano ang Provincial Health Office PHO-Aklan ukol sa mga health measures na ipapatupad nila sa departure at arrival area ganon din sa mga pasahero at pumasa ito sa assessment.
Napag usapan na rin aniya nila ng mga airlines companies ang tungkol sa schedule ng biyahe ng kani-kanilang eroplano. Napagkasunduan umano ang 2 flights kada araw ayon sa napiling schedule ng mga airlines companies.
Kaya ayon kay Engr. Monserate, anong oras man magresume ang commercial flights kaya ng tanggapin ng Kalibo International Airport dahil nasa ayos na umano ang lahat.

Facebook Comments