Kalibo, Aklan— Wala pang natatanggap na sumbong ang Kalibo PNP station tungkol sa mga pagnanakaw sa Social Amelioration Funds sa buong bayan.
Ayon kay PMAJ. Bellshazar Villanoche na karamihan lamang sa mga natatanggap na tawag sa hotline ay mga katanungan ng publiko kung bakit sila ay hindi napabilang sa SAP benificiary.
Ang mga concerns aniya na kagaya nito ay kanilang inirerefer sa tanggapan ng Municipal Social Welfare dahil patungkol ito sa implementasyon na binabase sa Memorandum Circular ng DSWD.
Dagdag pa nito na tanging anomalya lamang sa pondo ang kanilang iniimbestigahan kagaya ng pagbabawas sa mga pera na natatanggap ng mga recipient.
Marami na umanong nangyayari na kaparehong insidente sa ibang lugar sa Pilipinas kung saan ang mga suspek ay mga Brgy. Officials.
Nagdedeploy rin umano ng mga pulis sa loob at labas ng mga distribution points at masusing nagmamasid sa mga brgy. Officials bukod pa sa pagpapanatili ng peace and order.
Bukas rin aniya ang kanilang himpilan sa sino mang magbibigay ng impormasyon sa mga anomalya na nangyayari sa mga barangay sa boong bayan.
Kalibo PNP wala pang natatanggap na sumbong sa pagnanakaw sa SAP funds
Facebook Comments