Kaliwa’t kanang kilos-protesta sa Metro Manila ngayong Labor Day – umarangkada

Manila, Philippines – Kaliwa’t kanang kilos-protesta ang umarangkada sa Metro Manila kasabay ng selebrasyon ng Labor Day.

Kaninang umaga, nasa 100 magsasaka sa pangunguna ng grupong Anakpawis at Madaum Agrarian Reform na mula pa sa Southern Mindanao Region ang sumugod sa harapan ng Camp Crame.

Ito’y para kondenahin ang kawalan umano ng aksyon ng PNP na proteksyunan ang mga magsasaka laban sa pangha-harass ng Lapanday Food Corporation sa Tagum, Davao Del Norte.


Sa Maynila naman partikular sa Liwasang Bonifacio, nagsagawa rin ng pagkilos ang ilang labor groups kabilang na ang Kilusang Mayo Uno.

Panawagan ng grupo, tuluyan nang tuldukan ang kontraktwalisasyon sa bansa.

Sumugod naman sa Mendiola ang grupong magkaisa, partidong manggagawa at partidong manggagawang Pilipino.

DZXL558

Facebook Comments