Kamara, muling kinalampag ang Senado sa pagpapatibay sa DDR Bill

Pinamamadali ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap sa Senado ang pagpapatibay sa Department of Disaster Resilience (DDR) Bill.

Apela ni Yap sa Mataas na Kapulungan na mapagtibay na sa lalong madaling panahon ang DDR Bill matapos ang matinding pinsalang tinamo ng lalawigan dahil sa Bagyong Maring.

Bukod sa pagbaha at pagkasira ng pananim, ilang buhay rin ang nawala kabilang dito ang tatlong batang magkakapatid na nasawi sa landslide.


Binigyang diin ng kongresista ang kahalagahan ng pagbuo ng isang ahensya na mangunguna sa maayos at malinaw na sistema na siyang gagabay sa pamahalaan at maghahanda sa taumbayan sa panahon ng kalamidad.

Setyembre pa ng nakaraang taon inaprubahan ng Kamara ang panukala ngunit nanatiling nakabinbin sa Senado.

Facebook Comments