Sunday, May 17, 2026

Dalawang menor de edad, nasawi matapos ma-groom ng mga extremist group sa Roblox

Pinaniniwalaan ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na namatay ang dalawang menor de edad dahil sa na-groom o naimpluwensyahan ng mga extremist group na nasa online game sa Roblox.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, and Gender Equality, kinumpirma ni PNP-ACG Acting Deputy Director for Operations PCol. Romeo Desiderio ang report kung saan parehong nagdala ng baril sa kanilang eskwelahan ang dalawang biktima.

Tinukoy ni Desiderio na ang isa ay Grade 10 mula sa Marikina habang ang isa ay Grade 12 student mula sa Batangas.

Batay sa profile ng mga kabataang nasagip mula sa grooming o impluwensya ng Roblox, tinukoy ni Desiderio na ang mga ito ay nasa edad 12 hanggang 15 anyos at mayorya din sa mga ito ay nag-aaral sa private schools kaya sa tingin ng PNP-ACG galing ang mga ito sa mga middle-income at high-income families.

Facebook Comments