
Nasa 26 na miyembro ng House of Representatives ang iniimbestigahan ngayon ng Office of the Ombudsman sa kanilang pagkakadawit sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nagsumite na ang House of Representatives ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng 26 na mambababatas.
Ayon kay Clavano, first batch lamang ito ng mga hiniling na SALN sa House of Representatives.
Iginiit pa ni Clavano na hindi pinababayaan ng Ombudsman ang imbestigasyon sa flood control projects.
Ipinaliwanag ni Clavano na ang pagsisiyasat ay hindi lang sesentro sa kontrobersyal na flood control projects, kundi aabot sa mas malawak na pamamaraan ng paggastos sa proyektong pang-imprastraktura.
Simula nang mag-imbestiga ang anti-graft court noong September 2025, nakapaghain na ito ng kaso sa tatlong batches kaugnay sa flood control anomalies.










