Pagkatapos ng halalan ay nagumpisa ng maging abala ang Mababang Kapulungan para sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.
Naglatag na ng rules at guidelines para sa media accreditation ang Press and Public Affairs Bureau ng Mababang Kapulungan.
Mahigpit ang ipapatupad na patakaran na tanging mga media accredited na magko-cover sa SONA ang makakapasok sa premises ng Batasan Complex.
Ihahanda na rin ang ipapatupad na security ilang araw bago mag SONA at sa mismong SONA.
Magsisimula na rin ang koordinasyon ng Kamara sa AFP at PNP para matiyak ang kaligtasan ng Pangulo at ang mga opisyal, dignitaries, at mga VIPs na dadalo.
Sa sine die adjournment ng 17th Congress sa Hunyo 7 ay saka naman uumpisahan ang pag-aayos ng pasilidad at physical arrangements na gagawin sa buong paligid ng Kamara.