Kamara, nanawagan sa pribadong sektor sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Batanes

Nanawagan si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles sa pribadong sektor na kumilos na rin sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Batanes.

Ayon sa mambabatas, pinakamahirap ngayon ang paghahatid ng pagkain na kailangan na kailangan ng mga taga Itbayat na apektado nang husto ng lindol.

Limitado at mahirap din aniya ang pagbyahe sa isla kaya hinikayat nito ang private sector na magpahiram ng maaaring gamitin na panghatid ng pagkain at iba pang relief sa mga biktima.


Nanawagan din ito sa mga kaibigan sa medical field na magsagawa agad ng medical mission dahil na rin sa dami ng sugatan sa sakuna.

Samantala, kasalukuyan ding nag-iikot ngayon si Batanes Lone District Rep. Ciriaco Gato para alamin ang iba pang kailangan ng mga constituents na biktima ng lindol.

 

Facebook Comments