Tiniyak ng Kamara na maglalaan sila ng pondo para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 sakaling magkaroon na nito.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, mayroon na silang nakalaang pondo para rito mula sa panukalang P4.3 trilyon budget sa taong 2021.
Sakali naman aniyang mabigo ang mga research laboratory na makalikha ng bakuna, ilalaan nila ang pondo sa COVID-19 mass testing at pagbili ng medical supplies.
Sa ngayon, iba’t ibang bansa na ang nag-uunahan na makagawa ng bakuna laban sa COVID-19 kabilang ang Estados Unidos, Japan, Germany, United Kingdom at China.
Facebook Comments