Naniniwala ang kampo ng manager ng RCBC jupiter branch na si Maia Santos-Deguito na may “cover-up” o pagtatakip sa imbestigasyon ng rcbc kaugnay sa 81 milyong dolyar na nakaw na perang dumaan sa naturang bangko.Sa isang interview kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Deguito, sinabi nito na tila may pinagtatakpan ang mga opisyal ng bangko para sa kanyang kliyente mapunta ang sisi.Sinabi pa ni Topacio, maaring ginagawa lamang ito para mapagtakpan ang kapabayaan ng iba pang opisyal sa kaso ng money laundering.Napakahirap anya ng sitwasyon ng kanyang kliyente, dahil ito lamang ang suspendido sa trabaho habang ang iba pang mga sangkot ay nananatili pa rin sa kanilang pwesto.Samantala, pinapupunta ng Department of Justice (DOJ) si Deguito sa preliminary investigation kaugnay sa reklamong isinampa kay Deguito ng Anti -Money Laundering Council o AMLAC.Inatasan ni Assistant State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra si Deguito na magsumite ng kanyang counter-affidavit at iba pang supporting documents sa April 12 at 19.Oras na mabigo si Deguito na ma-comply ang naturang sobpeana ay maiko-kosiderang Submitted for Resolution na ang kaso base sa mga ebedensya.
Kampo Ni Rcbc Branch Manager Maia Deguito, Naniniwalang May Cover-Up Sa Isinagawang Imbestigasyon Kaugnay Sa Ninakaw Na
Facebook Comments