Kapatid ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera, nagfile na ng COC sa Comelec Gensan

22

General Santos City—Nagfile na ng kanyang Certificate of candidacy ang kapatid ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera na si Ryan Rivera na kilalang businessman dito sa Gensan.

Bago mag alas 12:00 kanina, mag-isang nagfile ng kanyang COC si Ryan Rivera sa Comelec Gensan na tatakbo bilang bise Alkalde sa ilalim ng partidong Kilusan ng Bagong Lipunan KBL.

Napag-alaman na si Mayor Rivera ay aasahang mag file ng kanyang COC kasama ng kanyang mga kasamahan sa Partidong People’s Champ Movement o PCM ngayong darating na Lunes o sa araw ng Martes.

Umaasa naman si Ryan Rivera na susuportahan ng kanyang kapatid na alkalde ang kanyang kandidatura kahit magkaiba sila ng partido.

Samantala nasa dalawa palang na kandidato ang nag file ng COC sa Comelec Gensan simula kahapon. Maliban kay Ryan Rivera nag file din ng kanyang COC si Armando Borja na tatakbong Independent bilang alkalde ng Gensan.

Facebook Comments