Nagpapatuloy ang mga inisyatiba ng 6th Infantry Division at ng Joint Task Force Central para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lahat ng kanilang nasasakupan.
Sa panayam ng DXMY kay 6th ID Commander Maj. Gen. Diosdado Carreon, partikular na titututukan ang kanilang suporta sa Peace Process sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nagpapatuloy din aniya ang pakikiisa sa kampaya laban sa mga teroristang grupo na kumukilos sa kanilang AOR at iligal na droga pati na paglipana ng mga iligal na baril.
Umiiral pa rin ang Martial law sa Mindanao kaya maayos pa ring ipinapatupad ito ng Kampilan Division dagdag pa ni CG . Carreon.
Sa kasalukuyan ay tahimik ang AOR ng 6th ID, subalit nagpapatuloy ang kanilang monitoring sa galaw ng mga tinutugis nilang teroristang grupo ayon pa kay Maj. Gen. Carreon.
Tiniyak naman ni Maj. Gen. Carreon sa mga mamamayan sa mga lalawigan sakop nila na magpapatuloy ang kanilang pagsiserbisyo katuwang ang Task Force Central sa kanilang mga lugar lalo na sa usapin ng pagpapanatili ng kapayapaan at sa matagumpay na pagpapatupad ng development projects.
Sakop ng 6th ID ang lalawigan ng Maguindanao, ilang mga bahagi ng mga probinsya ng North Cotabato, Sultan Kudarat at Lanao del Sur.
Kapilan Pic