Kapistahan ng Señor Sto. Niño sa Maynila, pinaghahandaan na

Handa na ang pamunuan ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo at ng Sto. Niño de Pandacan Parish para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Señor Santo Niño sa January 18.

Kahapon ay sinimulan na ang prusisyon ng replica ng Señor Sto. Niño, kung saan kani-kaniyang bitbit ng mga deboto ang imahe, habang ang ilan ay may mga karosa pa.

Gaganapin ang Lakbayaw Festival 2026 sa Tondo, Maynila, sa Sabado ganap alas-7:00 ng umaga, na inaasahang dadaluhan ng libo-libong deboto.

Nabatid na ang imahen ng Señor Santo Niño de Tondo ang ikalawang pinakamatandang imahe ng Santo Niño sa Pilipinas, na dinala ng mga paring Agustino noong 1572. Samantala, ang Señor Santo Niño de Cebu ang itinuturing na pinakamatandang imahe ng Santo Niño sa bansa.

Kaugnay nito, nakahanda na rin ang Manila Police District (MPD) sa ipatutupad na security plan para sa naturang kapistahan.

Facebook Comments