Pinangunahan ito ng PNP City of Ilagan, Isabela Police Provincial Office katuwang ang lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang sektor ng pamahalaan at mga miyembro ng National Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers.
Una rito, nagsagawa ng pagsasanay sa Bread and Pastry Production sa mga kalahok nito at ginawaran ng Sertipiko mula sa TESDA kung saan namigay naman ang Hepe ng Ilagan pulis ng puhunan at mga kagamitan para sa paggawa ng tinapay at cake para makapag-umpisa ng negosyo.
Sunod dito, ang pagbubukas ng Carpentry at Masonry TESDA Training, at ang ikatlo ay nagsagawa ng community outreach program kung saan nagkaroon ng Tree Planting, Libreng Gupit, Feeding program, pamamahagi ng vegetable seeds at seedlings, slippers, chicken at food packs na nakapag benepisyo naman ng 139 indibidwal.
Panghuli, nagsagawa ng lecture ang kapulisan upang ipaalam ang karapatan ng mga bata maging Fire Safety Awareness ng BFP-Ilagan at Anti- Terrorism at E.O 70 ng 95th IB, 5ID, PA.
Layunin ng aktibidad na makapaghandog ng basic services at social development packages sa mga identified conflict-affected at vulnerable communities sa lalawigan ng Isabela.