Karagdagang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca, darating mamayang gabi

Darating mamayang gabi ang karagdagang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., inaasahang alas-7 ng gabi darating sa bansa ang mga bakuna na kukumpleto sa 525,600 doses na inilaan ng COVAX facility sa Pilipinas.

Matatandaang dumating ang unang batch ng AstraZeneca noong Huwebes kung saan sinalubong ito mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Una nang sinabi ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Rabindra Abeyasinghe na nasa 4.5 million doses pa ng AstraZeneca ang inaasahang darating sa Pilipinas pagsapit ng Mayo.

Facebook Comments