
Inaasahang dadating sa bansa sa mga susunod na araw ang panibagong batch ng mga Overases Filipino Worker (OFW) na naiipit sa giyera sa Gitnang Silangan.
Kasunod na rin ito ng pagdating ng 32 OFWs at mga dependent sa Pilipinas mula sa Middle East na kinabibilangan ng 21 OFWs mula sa Dubai at dalawang OFW naman ay mula sa Oman habang ang siyam ay mga dependents.
Ang naturang mga OFW ay dumating sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) sakay ng Oman Air Flight WY843 na lumapag pasado alas nuebe kagabi sa NAIA Terminal 1.
Ayon kay Department of Migrant Workers o DMW Sec. Hans Leo Cacdac, ang mga paparating na mga Pinoy ay humiling na makauwi sa Pilipinas bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Ang kanilang pagbabalik bansa ay sa pamamagitan ng pagsisikap ng gobyerno na maiuwi sila nang ligtas at maibigay ang kinakailangang tulong mula sa pamahalaan.










