Karagdagang Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Bumaba

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 124 ang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos na ibinahagi ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Lunes, Enero 31, 2022, bagamat nakapagtala ng mga panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ay bahagya pa rin bumaba ang aktibong kaso sa 2,108.

Tumaas naman sa 63,133 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa naturang sakit matapos madagdagan ng 266 na newly recovered cases.

Maging ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 ay tumaas rin sa 2,177 matapos namang madagdagan ng tatlong (3) kaso ng nasawi.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 67,328 na kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments