Karagdagang pumping stations, balak itayo ng DPWH

Courtesy: Department of Public Works and Highways

Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng mas maraming pumping stations sa Metro Manila.

Ito’y upang matugunan ang pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.

Nasa 27 ang binabalak na idagdag sa 71 pumping stations na kasalukuyang ginagamit upang maibsan ang baha.


Matatandaan na inihayag ng DPWH na mabilis humupa ang baha sa panahong ito kumpara sa nakalipas na taon.

Ito’y dahil sa operational pumping stations at iba pang flood control measures ng pamahalaan.

Bukod dito, tuloy-tuloy ang ginagawang declogging, paglilinis sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubog kaya hindi na nagtatagal ang pagbaha.

Subalit, sinabi ng DPWH na ang nakakakuhang toneladang basura sa pumphouses at bumabara sa drainage systems ay nananatiling problema kaya’t aminado sila na hindi mawawala ang pagbaha sa Metro Manila pero kaya naman daw mabawasan ang epekto nito.

Facebook Comments