Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng Provincial Government ng Isabela na pababa na ang bilang ng mga kasong tinatamaan ng COVID-19.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, nananatili na lamang sa 1, 615 ang aktibong kaso province-wide matapos makapagtala ng dagdag na 100 bagong kaso sa pinakahuling datos kahapon, May 31, 2021.
Sa datos, pinakamalaki pa rin ang bilang ng aktibong kaso sa bayan ng Tumauini kung saan nasa 170 cases at nadagdagan pa ng 38 panibago as of May 31, 2021.
Kasabay nito, nananatili pa rin ang pagbabantay sa lahat ng entry at exit point ng probinsya upang masigurong ligtas ang karamihan na Isabeleño laban sa banta ng COVID-19.
Samantala, umakyat na sa 62, 091 o 3.99% ang mga nabakunahan ng unang dose sa lalawigan na higit na maraming bilang ang mga health workers o 89.47% habang sa priority A2 naman o mga Senior citizen ay 39.96% at ang priority A3 o mga adult with comorbidities na pumalo naman sa 37.42%.
Hinimok naman ng PLGU Isabela ang publiko para sa pagpapabakuna kontra COVID-19.