Kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo, tumaas ng 53%

Nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 4,634 bagong kaso ng COVID-19 simula Hunyo 20 hanggang Hunyo 26, 2022.

Mas mataas ito ng 53% kumpara sa mga naiulat na kaso noong nakaraang linggo, nitong Lunes.

Sa weekly case bulletin ng Department of Health (DOH), nasa 662 ang average ng arawang kaso para sa naturang linggo kung saan mas mataas ito kumpara sa 436 na naitala mula Hunyo 13 hanggang Hunyo 19 na may 3,051 na kaso ng COVID-19.


Umabot na rin sa 591 ang severe at critical cases na kasalukuyang nasa mga ospital hanggang nitong Hunyo 26.

Samantala, umabot na sa 70,358,612 indibidwal o 78.17 porsyento ng target population ng pamahalaan ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa bilang na ito, 323,341 ang nabakunahan mula Hunyo 20 hanggang Hunyo 26.

Facebook Comments