Kaso ng COVID-19 sa Region 2, Lagpas na sa 40,000

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 40,000 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 na naitala mula sa iba’t-ibang probinsya sa Lambak ng Cagayan.

Sa datos ng Department of Health Region 2, pumapalo sa 41,626 ang kabuuang bilang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kabilang na ang 306 na panibagong positibong kaso.

Mayroon namang naitala na 354 na bagong gumaling habang walo (8) ang bagong nasawi.


Kaugnay nito, tumaas sa 37,465 ang total recoveries sa rehiyon samantalang nasa 1,030 na ang kabuuang bilang ng namatay.

Sa kasalukuyan, nangunguna ang Lalawigan ng Isabela sa may pinakamaraming aktibong kaso sa rehiyon na umaabot sa 1,260 sumunod ang Cagayan na may 1,253; ang Nueva Vizcaya na may 437; Quirino na may 116; nasa 53 na lamang ang Santiago City samantalang nananatiling COVID-19 Free ang lalawigan ng Batanes.

Facebook Comments