Kaso ng dengue sa Western Visayas halos umabot na sa 2000, 3 naitalang namatay

Kalibo, Aklan — Umabot na sa halos 2000 ang naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas kung saan tatlo rito ang naitalang patay.
Ayon kay Maria Lourdes Monegro, Department of Health 6 Entomologist, umabot na sa 2,196 ang kaso ng dengue buong rehiyon base sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) umpisa Enero 1, 2020 hanggang Mayo 30, 2020.
Sa nasabing numero, 288 ang na rekord na kaso sa probinsya ng Aklan; Antique may 100 at isa ang namatay; Capiz -211; Guimaras – 35; Iloilo Province – 417; Iloilo City -156 at isa ang namatay; Negros Occidental – 786 at isa ang namatay; at Bacolod City na may 154.
Dagdag pa ni Monegro na mas mababa ito kumpara sa kaparehong period ng nagdaang taon kung saan umabot lamang sa 9, 128 ang kaso at 62 ang mga namatay.
Sa kabila nito, nagpaalala pa rin ang DOH-6 na patuloy gawin ang 4S strategy o ang Search and Destroy Mosquito Breeding Places, Self-protection Measures, Seek Early Consultation at Support Fogging or Spraying.

Facebook Comments